Linggo, Hunyo 9, 2013

                                             
                                         
                                                     


           "Anak gising ka na !,hali na't sumabay ka sa amin kumain!",aking inang tinatawag ako mula sa kusina ng aming bahay habang ako ay nasa kama't hirap bumangon,sa mga nakalipas na bakasyon maraming taong masaya,sapagkat  sa marami pang nakikilala pang kaibigan at sa nag daan  kong bakasyon kamiri'y ay walang tigil sa pamamasyal  at pagkunan ng litaratong masasaya naming araw  ngunit,naku!!pasukan na! at  late na naman ako!! sa pag pasok sa eskwelahan ,panay sermon na naman ang guro sa akin "Late??,Late??,Late??",paano ko nga ba ito masusulusyonan ,tanong ko sa aking sarili habang akoy pinagtatawanan ng kapwa ko kaklase ,hanggang sa pag uwian sa paaralan hindi mawawala talga ang mga bagay na pwedeng sumisira din sa buhay mo ,andyan lang at nakaabang,at walang tigil ng asar "Tila wala na bang tigil ito?",tanong ko sa aking sarili habang sila'y papaalis ,tila nalang lumayo na din sa buhay ko ang mga kaibigan ko ,"Kaibigan?,kaibigin?,asan kayo?".Nang biglang may lumapit sa aking taong naka ngiti hawak hawak ang papel na para bagang ginawang pambalot,ibinigay nya ito sa akin habang sya'y papaailis,di ko man nalaman ang dahilan,binuksan ko ito't nakita ko ang mga ilan sa mga larawang kung saan ay nandun ako kasama ang mga kaibigan ko ,tandang tanda ko pang kinuhaan ako ng litrato nung akoy nasa bakasyunan pa lamang kasama ang aking mga pamilya ,Bakit?,Bakit?Bakit kaya ?? bakit nya ito ibinigay sa akin?.

            Sa pagtulog ko ay dimawalay sa aking isipan ang taong iyon  at di maalis sa aking tabi ang mga larawang iyon,pinagmamasdan kong mabuti ,hanggang sa tila ay gumagalaw ng kusa ang mga taong nasa larawan na kung saan ay nandun ako,masayang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan ko ,mga pamilya ko,pamimigay ng regalong nung pasko at nung kaarawan ng bawat isa sa aming mag kakaibigan ,tila ay may tubig na dumaloy sa pisngi ko't tumulo sa unan ko,"ano ito,di ko alam kung bakit ako lumuha?",at may ngiting sa akin ay nanggaling ,alam ko nakung bakit,sapagkat di parin nawawala ang pagmamahal ng mga tao sa akin kahit na may gumugulo sa isipan ko't pati buhay ko andyan parin sila handang tumulong sa akin sa oras ng aking pangangailangan ,andyan din ang diyos gumagabay sa iyo .Ngayon ko lang nalaman na ang kaibigan di nawawala iyan nasa paligid mo lang para tumulong sa iyo!!

1 komento: