Linggo, Hunyo 16, 2013

    Administrasyon sa Pilipinas
ni:Eric V. Grancapal



Sa Administrasyon ni "Benigno Aquino Jr." masasabi ko natin na ang ekonomiya natin ngayon at ang mga iba pa ay masasabi na ring ito ay di na gaanong masama sa pagiging pangulo ni "Benigno Aquino" mas di gaanong tumaas ang mga porsyento ng mga tao sa kuryente at tubig .                    
Ang Pilipinas ay isangumuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na puwesto ng World Bank ayon sa kanyang kapantayan ng lakas ng pagbili. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado. Ang mahahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas ay kinabibilangan ng agrikultura, tulad ng pagpoproseso ng pagkain, pananahi, at electronics at paggawa ng mga bahagi ng sasakyan. Karamihan sa mga industriyang ito ay nasa bahaging Kalakhang Maynila at mga karatig na lugar. Ang pag-mimina ay may malaking potensyal sa Pilipinas.Hanggang ngayon  di parin  maiiwasan ang pangungurakot sa bansa lalong lalo na ang di tamang pagboto sapagkat doon  nagsisimula ang pagiging kurakot ng ating bansa kaya naman ay pwedeng maapektuhan ang ating ekonomiya  at Ayon sa Asian Times, ang Pilipinas daw ay malapit ng mapabilang sa mga tiger economies sa Asya. Ito rin ang inilabas na report ng Morgan Stanley Investment Management. Kamakailan nga ay itinaas naman ng Moody’s Investors Service and credit rating ng bansa. Nauna na ring itinaas ng Standard and Poor ang debt rating ng Pilipinas kung saan ay ito na ang pinakamataas sa loob ng siyam na taon. Tinagurian rin tayo ng Goldman Sachs bilang isa sa NEXT 11 na mga bansang patuloy ang paglago ng ekonomiya.Ngunit habang masarap pakinggan ang mga balitang ito, alam ba natin mga kapanalig na mas angat na ang ekonomiya ng bansang Vietnam kaysa sa Pilipinas?Ito ang realidad na binigyang katotohanan ng report mula sa National Statistical Coordination Board o NSCB, isang ahensiya ng pamalaan na nagsasagawa ng mga pag-aaral hinggil sa sitwasyon ng ating bansa. Bagaman at sa mahabang panahon ay nanatiling mas maunlad ang ekonomiya ng Pilipinas kaysa sa bansang Vietnam, ngayon ay napag-iiwanan na nga tayo ng dati’y isang maliit, magulo at mahirap na bansa.Maliban sa Vietnam, lumalabas din sa pag-aaral ng NSCB na mas nakaka-angat din sa atin ang mga karatig bansa natin katulad ng Indonesia, Thailand, Malaysia, Brunei at Singapore.Mula taong 2003 hanggang 2009 ay lumala kasi ang estado ng kahirapan sa Pilipinas. Ayon sa NSCB tumaas ng 185,000 ang bilang ng mahihirap na pamilya sa bansa, mula 3.67 million noong 2006 hanggang naging 3.86 million noong taong 2009.


                            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento